Sunday, November 20, 2011

Alex Santos on his last newscast on TV Patrol

Five years na naging kabalitaan at naging kapatrol natin si Alex. It's so sad that this would be his last newscast on TV Patrol every weekend.

2006 nang mapalitan ni Alex Santos si Henry Omaga - Diaz sa TV Patrol Weekend kung saan naging original main anchor na ito sa Bandila na nailunsad din sa nasabing taon kasama sina Korina Sanchez na ngayon ay main anchor na ng TV Patrol tuwing gabi. At si Ces Drilon na naiwan naman bilang orihinal sa Bandila.

2007 nang magwagi si Alex sa PMPC Star Awards for TV bilang Best Male Newscaster katabla si Julius Babao na malapit na maging Hall of Famer sa pagiging Male Newscaster. Marami na rin nahakot na awards ang TV Patrol Weekend kung saan siya ay naging news anchor sa pagbabalita sa botohan nun 2010.

Nagkaroon din siya ng segment sa TV Patrol Weekend na "Kuwentong Obrero" na nagtatalakay naman sa mga buhay manggagawa.

Tumaas din ang naging rating ng TV Patrol Weekend dahil sa naging exclusive interview ni Alex sa kanyang kaibigan na si Manny Pacquiao sa laban nito nuong Mayo against sa katapat nitong TV Newscast. Marami rin tumutok sa naging interview nito kay Manny.

Tumatak din ang kanyang quote tuwing matatapos ang Tv Patrol newscast na "Pilipinas, umaasenso tayo".

Almost a few years kabalitaan si Alex hanggang sa huling newscast kanina sa TV Patrol.

Malungkot pero nagpapasalamat kami naging kabalitaan at isa sa Patrol ng Bayan.

We will miss you, Alex on TV Patrol.




Thursday, November 3, 2011

Please Support Mae Javier-Santos



Please support his sister-in-law, Mae-Javier Santos to win The Cathay Pacific Ad Campaign. Just click the photo (just click here to visit her photo or click the photo above) then hit the "LIKE" to counting your votes.
Also share this link to your friend's wall.
Dateline for voting is on Nov. 11
Keep voting, suportahan natin ang kababayan natin!

Saturday, September 24, 2011

Alex Santos with Shamcey Supsup

Alex with Miss Universe 2011 3rd Runner-Up Shamcey Supsup. (his kababayan in Mindanao)

Friday, September 9, 2011

Alex Santos, Special Guest Hurado sa Showtime kasama si Anthony Taberna. Dalawa pang Male Host ng Umagang Kay Ganda, Naghubad!

Updated 09.09.2011 at 22:32 by KSY


 

Naging guest hurado sina Alex Santos at Anthony Taberna sa numero uno talent show ng bansa, ang Showtime ngayon saan pansamantalang humalili kay Vice Ganda na kasalukuyan nasa show abroad.

Hindi rin sila natinag nang kumantyaw ng sample ang mga hosts at mga madlang pipol ng Showtime kaya pinakita rin nila ang kanilang sample. Pabirong pang sinabi ni Anthony na kinabahan sila sa gagawin nila. Kahit kanino hindi sila natatakot, duon lamang sila natakot sa gagawing sample. Pero game pa rin nila ipakita iyun para lamang mapasaya ang madlang pipol na sumusubaybay sa Showtime.

Pinakilig tayo sa kanilang inaawit na love song. Beautiful in my eyes ang inawit ni Ka Tunying habang si Alex naman ay pinakilig tayo sa kanyang "I'll Always Love You". Ngunit sa kanyang sample, katuwaang pinakita ang binabasang kanta sa baba ng studio kung saan ang dalawang staff naman ang humahawak ng Manila Paper na kanyang binabasang kanta niya.

Never mind about that mahalaga naman ehh maganda ang kanyang tinig bagamat kagagaling lamang ito sa sakit kung saan halos namaos ang kanyang boses.

Pero hindi pa rin nakuntento ang madlang pipol na pasayawin nila ang dalawang magiting at guwapong mamamahayag. Paayaw-ayaw pa si Ka Tunying ngunit habang sinasambit niya duon, panay naman ang indak at kaway niya na parang El Shaddai. Samantala si Alex ay sinayaw ang paboritong Michael Jackson music na "Thriller".



Bukod kina Alex at Anthony, bumisita rin ang dalawang makukulit na tandem ng Umagang Kay Ganda na sina Andrei Felix at Jeffrey Tam na nakuha pang ipamudmod ang kanilang outift hanggang sa halos mahubad na sila dahil sa kakulitan na rin ng hurado ng Showtime na si Ryan Bang.

more pictures in Kapamilya Anchors and Reporters Online Facebook Fanpage 

to watch the episode, please visit here

by: KSY

Tuesday, September 6, 2011

Alex Santos is still a Kapamilya.

Alex Santos is still a Kapamilya (photo from Jeffrey Tam)
Nuong last weekend ng Agosto, hindi nasilayan sa telebisyon ang guwapong news anchor na si Alex Santos na naglalabasan na siya daw ay lilipat na ng ibang istasyon  matapos na nga nagsiliparan ang ibang Kapamilya News Personalities tulad nina Cheryl Cosim, Joey Villarama, Wheng Hidalgo, Amy Perez ng DZMM at ang huli na si Mommy ng Bayan na si Tintin Bersola Babao.

Hindi naman pormal na nakumpirma kung may alok nga sa kanya o offer ang TV5 pero marami rin naglalabasan na isa rin siya sa planong ipirate na Kapamilya News Anchor ng ibang network sa pamamagitan daw ni Tita Cristy Fermin. 

Ang totoo, nagbakasyon lamang ito sa abroad kasama ang pamilya niya upang bisitahin ang kanyang nakakatandang kapatid. Hindi rin nakadalo si Alex sa family reunion ng pamilyang Santos sa Davao nang dumating ang kanyang kapatid kasama ang pamilya dito sa Pinas kaya bumawi na lamang si Alex. Sinamantala nito ang mga holidays to spent vacation with his brother and family. And also for his kids.

Nakabalik naman si Alex nitong nakaraang linggo after ng mga holidays sa Umagang Kay Ganda, Radyo Patrol Alas Kuwatro at TV Patrol Weekend pero absent siya sa radio show nila ni Mareng Maresciel Yao na "All Aboard Pinoy Abroad" dahil sa nagkasakit ito. Napansin ding malat siya habang naghahatid ng balita sa TV Patrol nuong Sabado.

Meaning, siya ay Kapamilya pa rin. Kuha nyo? =D


by: Kaye

Monday, August 1, 2011

Remembering Cory


Two years ago nang sumakabilang-buhay ang dating Pangulong Corazon "Cory" Aquino.

Naging makasaysayan ang pagpanaw ni Madam Cory di lang dahil sa naging pangulo ito ng Pilipinas, kundi sa siya ang namuno ng nakipaglaban sa demokrasya ng bansa.

Ngayong ika - 2 taong anibersaryo ng pagpanaw ni Madam Cory, ating balikan ang mga naging karanasan ng ating mamamahayag sa paghahatid-balita. Isa na rito ang naging karanasan ni Papa Alex. Naghatid ng mahahalagang balita sa libing ni Madam Cory sa Manila Cathedral for Umagang Kay Ganda when main anchor Pinky Webb was on vacation..

Saturday, July 30, 2011

Alex Santos Online


The site is still under construction but ready to visit and explore more about Alex Santos.

The website initiated by his fan, KSY., therefore it is an unofficial.

This is the site address



  Alex Santos - Broadcast Journalist. Host

  http://alexsantosonline.co.nr

Sunday, July 17, 2011

Birthday Gift from his son, Javi,


Picture taken on his last birthday in Umagang Kay ganda. His youngest son, Javi created a birthday card for his father.

Awww, ang sweet naman ni Javi.

Alex Santos on Pilipinas Got Talent



He shouted "Let's Get Ready to Rumble" along with his colleague in ABSCBN News and Current Affairs Team.

I was so shocked when my co-author in KARO tweets about his appearance in Pilipinas Got Talent.

I thought that Alex will show-up his talent in PGT. =D

Lets watch the video of Pilipinas Got Talent.



Produce_47 by asokmark


Special Thanks to Jessica of Kapamilya Anchors and Reporters Online. My Co-Author in KARO. And also thanks for Pinoy Tambayan for video source.

Monday, July 4, 2011

Alex Santos on Saving the Rice Advocacy


Alex Santos gave his support for saving the rice advocacy of PHILRICE.


source

Tuesday, June 28, 2011

Feature Picture: Hide and Seek on Newscast


While Alex Santos delivering the news on TV, may nagtatago sa likuran niya. Naglalaro ba sina Andrei at Iya ng Hide and Seek, sino ang taya, si Papu idol Alex?


Monday, June 27, 2011

TV Patrol Weekend Live Stream (Requested by Kim)



sorry, we're not able to post the video because there have no embed code or embeddable. We will give the source.

Watch it here at Pinoy Channel 

Requested by KIM

Saturday, June 25, 2011

Feature Image: Umagang Kay Ganda's 4th year anniversary

Alex Santos lip-synched Bruno Mar's "Lazy Song on their 4th year anniversary presentation held in Dolphy Theater






UKG marks 4th year with 'magic'



MANILA, Philippines - The hosts of ABS-CBN's "Umagang Kay Ganda" (UKG) once again touched the hearts of its viewers as they celebrated the morning show's 4th year anniversary on Friday
.


UKG hosts presented special numbers in a "talent show" dubbed "UKG Got Talent."


The hosts grouped themselves into two and competed in the "talent show". The grand winner will give their chosen foundation a computer set, while the second placer will give their chosen beneficiary a DVD player.









Wednesday, June 22, 2011

Alex Santos Spotted on Pacquiao - Mosley fight.


Last month, he spent his vacation in Las Vegas to watch his "Kumpare Manny" fight against Shane Mosley.

Confirm! Nanuod nga siya ng laban ni Pareng Manny. Nakasama din kaya siya sa biyahe ng team Pacquiao?

Source:  Land Asia

Tuesday, June 21, 2011

Facebook, gamit ng pulis sa pagresolba sa pagpatay sa call center employee (report by Alex Santos)

Halos gumuho ang mundo ni Aling Norma Dominguez nang makita sa kabaong ang anak na si Malou Dominguez-Laquindanum, human resource specialist ng isang call center sa Maynila. 

Duguan at nakatali ang mga kamay nang madiskubre si Malou sa boarding house sa Mandaluyong pasado alas-11 ng gabi noong Sabado. Dalawampu’t apat na saksak sa katawan ang pumatay sa biktima.



Saturday, June 18, 2011

Happy Father's Day, Papa Alex!


Tomorrow is the special day for all fathers in the world. Kasama naryan ang ating poging broadcast journalist na si Alex Santos pati na rin ang mga kasamahan niya sa hanap-buhay na tatay rin.

Nauna na nagbigay-pugay ang Umagang Kay Ganda sa kanya kasama na rin si Anthony Taberna. Maging ang mga anak nyang sina Juancho (nagmanang guwapo sa ama), si Joaquin (like father like son na Lakers fan, hihi!) and youngest son na si Javi na mahilig naman sa mga superheroes (kung si Javi, si Ironman, si Papa Alex naman ay si SUPERMAN).


Happy Father's day, Papa Alex. As I always wish na stay good health because of your hectic works. And stay as good as you are.

by: KSY

Thursday, June 16, 2011

Alex Santos sings with Toni Gonzaga in DZMM anniversary


 

 

MANILA, Philippines – Veteran journalist AlexSantos wowed the crowd as he showed off his singing skills during the 25th anniversary celebration of DZMM dubbed “Siveradyo” at One Esplanade in Pasay City Thursday.

The audience enjoyed Santos’ performance of Billy Joel’s “Just The Way You Are,” which he sang alongside singer Toni Gonzaga.

Saturday, June 11, 2011

Alex Santos and Jeff Tam sing Harana in Umagang Kay Ganda



singer superstar na talaga si Future Pogi Senator. Ang ganda rin ng boses ni Jeff Tam kaya nangingibabaw din siya. Taga gitara na lang yata si Nyoy Volante. Pagbigyan mo na lang po, Nyoy, birthday naman po ehh... hihi!!!

Happy Birthday again, Papu Alex Santos. Ang papa ng ABSCBN News and Current Affairs.

Friday, June 10, 2011

Happy Birthday Alex Santos



May this day bring to you all things that makes you smile. Happy Birthday!

Kahit sa cake, ang pogi-pogi nyo po, Macho pa ng picture. Promise!

Alex Santos' Birthday Celebration

I'm so lucky na nakiisa po ako sa celebration ng birthday celebration nina Alex Santos at Pinky Webb sa pamamagitan lang naman ng panonood ng live. Although it simple but special.

They are both 41

Binati rin sya ng kanyang malapit na kaibigan na si World Boxing Champion, Pound for Pound King and Saranggani Representative Manny Pacquiao at plano pa nila mameet daw si Paris Hilton sakaling tumuloy ito sa Pilipinas at makilala muli si Manny (me ganun?, hehehe joke!)

Well, ito na po ang exclusive pics namin sa kaarawan ng ating poging newscaster at "Future Senator"










Tuesday, June 7, 2011

Unforgettable Tweet of our beloved Cutie Handsome Newscaster

 
This is the tweet of our beloved, Alex Santos where introduced our blog.

Ang sweet naman, Yippee!!! Overwhelmed naman ako  =)

Hindi ko po akalain na makikita po niya ang simpleng blog ko sa kanya. Minsan po kasi may ibang lapses dito kaya pagpasensiya po nyo. But I'll do my best to keep you updated about him.

Ilang tulog na lang, Birthday po ng ating guwapong at papable Alex Santos.

Happy Birthday, Papa Alex.

Aabangan po namin ang birthday presentation mo sa Umagang Kay Ganda.

Don't Miss it, guys!

Saturday, June 4, 2011

Ang Hirap Matuto: An ABSCBN News and Current Affairs Special Report (Updated)





Ang problem noon, problema pa rin ngayon.

54,060 guro. 24 milyon estudyante. Kakapusan sa silid-aralan. Pag ganito ang sitwasyon… Ang Hirap Matuto.

Mamaya sa Special Report bago mag - Failon Ngayon

Sa ABSCBN.

Tuesday, May 31, 2011

Brigada Eskuwela, Tulong Kapamilya sa Cavite at Davao


Dalawang eskuwela ang dinayo ng main anchors ng TV Patrol Weekend sa proyekto ng ABSCBN News and Current Affairs na "Brigada Eskuwela. Tulong Kapamilya".

Mababang Paaralan ng Toclong sa Kawit Cavite, Itinayo ang paaralan nuong taong 1968 na donasyon ng subidivision para sa kabataan sa lugar. Maliit lamang ang paaralan kaya mula prep hanggang grade 3 lamang ang nag-aaral dito. At pito lamang ang paaralan.

Dinayo ni Bernadette Sembrano ang paaralan upang tumulong sa paglilinis sa paaralan.

Sa Davao, dinayo naman ni Alex Santos ang Pilar Rodriguez Elementary School sa Barangay Tigatto sa Davao City.

Sira-sira at lumang-luma ang naabutan niya hitsura ng paaralan kaya nakiisa siya sa muling pagpapaayos ng paaralan upang maayos naman na pasukan ng mga mag-aaral lalo na ng mga muslim ang paaralan ng Pilar Rodriguez. 


from: Kapamilya Anchors and Reporters Online by KeepSoYoung

EXCLUSIVE: Chinoy, dawit sa smuggling ng black coral at pawikan



Ipinakita ng Bureau of Customs ang litrato ng isinagawang interogasyon kay Exequiel Navarro—ang consignee ng dalawang container van na nasabat ng BoC noong May 1 na naglalaman ng mga patay na pawikan at black corals.

Dito isiniwalat ni Navarro kung sino ang nasa likod ng pag-angkat ng black corals at marine products.
Ayaw pang pangalanan ng Customs dahil sa follow-up investigation.

Ayon sa Customs, handa namang makipagtulungan si Navarro para ituro ang mga sangkot dito na sinasabing mga Filipino-Chinese.

Sabi ni Toto Suansing, deputy commissioner ng BoC: "Businesswoman from Metro Manila, Chinese... First time nag-crop up ang name nito na sinabi ni Exequiel kung totoong consignee."

Malaki ang panghihinayang ng awtoridad dahil matagal bago mabuo ang mala-paypay na mga coral. Ayon sa mga eksperto, one millimeter ang tubo nito bawat taon.

Nagbanta si Senador Miguel Zubiri na isisiwalat ang mga nasa likod ng pagpuslit ng black corals.

"This is a national security concern. The ability to feed our people, wala na tayong isda na mahuhili sa coastal zones," aniya.
   
Hinala naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources: May kasabwat na lokal na opisyal ang nangunguha ng coral at pawikan.

Sinasabing ibibiyahe ito palabas ng bansa para gawing gamot at palamuti na nagkakahalaga ng nasa P50 million.

"It's possible that it could not have happened without somebody from the local government units keeping their mouth shut," sabi ni Benjamin Tabios Jr., assistant director ng BFAR.

Simula sa Miyerkules, iimbestigahan ng Senado ang tangkang smuggling ng black corals at iba pang yamang dagat.  

Alex Santos, Patrol ng Pilipino



from TV Patrol 

Features: Interview with Francis Kong


Pinag-usapan nila tungkol sa pangungutang para sa gastusin sa eskuwela.

Brigada Eskuwela in Davao