Tuesday, May 31, 2011

EXCLUSIVE: Chinoy, dawit sa smuggling ng black coral at pawikan



Ipinakita ng Bureau of Customs ang litrato ng isinagawang interogasyon kay Exequiel Navarro—ang consignee ng dalawang container van na nasabat ng BoC noong May 1 na naglalaman ng mga patay na pawikan at black corals.

Dito isiniwalat ni Navarro kung sino ang nasa likod ng pag-angkat ng black corals at marine products.
Ayaw pang pangalanan ng Customs dahil sa follow-up investigation.

Ayon sa Customs, handa namang makipagtulungan si Navarro para ituro ang mga sangkot dito na sinasabing mga Filipino-Chinese.

Sabi ni Toto Suansing, deputy commissioner ng BoC: "Businesswoman from Metro Manila, Chinese... First time nag-crop up ang name nito na sinabi ni Exequiel kung totoong consignee."

Malaki ang panghihinayang ng awtoridad dahil matagal bago mabuo ang mala-paypay na mga coral. Ayon sa mga eksperto, one millimeter ang tubo nito bawat taon.

Nagbanta si Senador Miguel Zubiri na isisiwalat ang mga nasa likod ng pagpuslit ng black corals.

"This is a national security concern. The ability to feed our people, wala na tayong isda na mahuhili sa coastal zones," aniya.
   
Hinala naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources: May kasabwat na lokal na opisyal ang nangunguha ng coral at pawikan.

Sinasabing ibibiyahe ito palabas ng bansa para gawing gamot at palamuti na nagkakahalaga ng nasa P50 million.

"It's possible that it could not have happened without somebody from the local government units keeping their mouth shut," sabi ni Benjamin Tabios Jr., assistant director ng BFAR.

Simula sa Miyerkules, iimbestigahan ng Senado ang tangkang smuggling ng black corals at iba pang yamang dagat.  

Alex Santos, Patrol ng Pilipino



from TV Patrol 

No comments:

Post a Comment