Sunday, March 13, 2011

ABS-CBN, panalo ng 17 parangal sa Gawad Tanglaw (from Kapamilya Anchors)


Kinilala ng Gawad Tanglaw ang kontribusyon ng ABS-CBN na itinanghal na Station of the Year.

Panalo din ng Best Election Coverage ang ABS-CBN para sa 2010 Presidential Elections at Boto Mo i-Patrol Mo Ako ang Simula Election Campaign.

Kinilala naman ang TV Patrol bilang Best News Program.

Best TV Anchors sina Bernadette Sembrano at Alex Santos, Best Show biz Reporter si Mario Dumaual, Best Magazine Show ang Rated K at Best Magazine Show Host si Korina Sanchez.

Panalo namang Best Morning Show ang Umagang Kay Ganda, Best Investigative Program ang XXX, Best Educational TV program ang Matanglawin, Best Public Affairs Program ang Failon Ngayon.

Best Sports Program naman ang Sports Unlimited at Best Documentary ang Storyline.
Kinilala rin ang lifestyle shows ng ABS-CBN News and Current Affairs.

Iginawad sa mga batikang mamamahayag na sina Ces Drilon at Tina Monson-Palma ang Natatanging Gawad para sa Sining ng Pamamahayag.

Sa entertainment, kinilala naman ang Magkaribal, Maalaala Mo Kaya bilang Best Drama Anthology, at ASAP.

Idaraos ang awards night sa March 17 sa St. Dominic College of Asia sa Bacoor, Cavite.

video watch here

Complete list of Winners on Pep Website 

Courtesy: ABBCBN News Website

No comments:

Post a Comment